“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

 

Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Ilan sa mga isinulat ni Benjamin P. Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas sa Bahaghari at isa sa mga sikat na maikling kuwento na kanyang nailimbag ay Ang Kalupi. Isa sa mga bagay na nag-udyok sa kanya upang likhain ang kuwentong ito ay gusto niyang ibahagi sa mga tao ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan at ang sanhi ng maling akala.

Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan. Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento.”

Nilayon ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa tunay na mga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng hustisya at epekto ng mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at estado nito sa buhay. Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng kawalan ng boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.

 

Comments