“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Ilan sa mga isinulat ni Benjamin P. Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas sa Bahaghari at isa sa mga sikat na maikling kuwento na kanyang nailimbag ay Ang Kalupi. Isa sa mga bagay na nag-udyok sa kanya upang likhain ang kuwentong ito ay gusto niyang ibahagi sa mga tao ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan at ang sanhi ng maling akala. Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan. Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo...